Saturday, November 30, 2019

"HUSTISYANG HINAHANGAD NG LAHAT"

    Ang katarungan o hustisya ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga ang mga bagay na kinakailangang husgahan kung sino ang dapat patawan ng parusa. Ang parehas na pagtingin ng tagapaghusga sa mga bagay na kung saan dito niya makikita at makikilala Kung sino ang nararapat na paniwalaan. Ang katarungan ay dapat na ibinibigay sa lahat ng taong nangangailangan nito dahil tayong lahat ay may karapatang makamit ang katarungang ating hinihingi. Upang tayo ay magkaroon Ng hustisya sa mga bagay na nagyari sa atin dahil sa pang-aalipusta Ng Ina.


Sa ating buhay, tayo ay nakararanas ng mga masalimuot na bagay na di natin maatim at gustong makamit ang hustisya. Mayaman ka man o mahirap, may kapansanan ka man o wala. Makitid man ang iyong utak o matalino ka man, tayo ay may karapatang makamit and hustisya.

     Bakit ganon ang hustisya sa ating bansa? Mahirap ba siya kaya hindi niya makamit ang hustisyang kanyang hinihiling? o Mayaman siya kaya pera na lamang niya ang kapalit ng hustisyang lahat ay minimithi? Nakasilip nga ba ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring? Kaya't pagkamit sa hustisya ay sadyang kay hirap kunin?


          Sa panahon ngayon, tayong mga kabataan ay naghahanap rin ng hustisya at katarungan sa ating buhay. Dahil isa narin ako sa mga kabataang iyon. Mga kabataang naghahangad lamang na makapag-aral sa buhay para maiahon nila ang kanilang pamilya at sarili sa kahirapan. Pero bakit ganon? Sa bawat pagpasok natin sa paaralan may paborito na agad ang guro. May natipuan na agad na  magandang estudyante ni Sir na lagi niyang binibida sa eskwelahan.Bakit ganon? Pag maganda na, puwede ka nalang pumasa ng mga takdang-ralin at mga proyekto kung kailan mo gusto? Bakit ganon? Pagkilala ka ng lahat pati na ng mga guro ay puwede kanang gumawa ng bagay na gusto mo, mataas na agad ang grado mo pag malapit ka sa kanila? Bakit ganon? Yan ang mga bagay na tanong nating mga estudyante. Tayong lahat ay nagtatanong kung bakit hindi pantay-pantay ang pagtingin nila sa

ating mga tao.


   Naiisip rin ba ng mga ibang guro na meron pa silang mga estudyanteng nagsisikap para lang makakuha ng magandang grado? Na kahit man pagalitan sila Ng kanilang mga magulang ay pinipilit nilang hinihingi ang mga bagay na kanilang kakailanganin para lang makapasa sa saktong araw ng 'deadline' sa proyektong iyon. Para lang mapansin sila ng kanilang guro. 


      Ito ang mga bagay na nakikita at naiisip ko sa tuwing tatanungin ako tungkol sa katarungang hinihingi naming mga kabataan. Na kung ito'y iisipin at pagbabasihan ay mga estudyante kaming lahat walang naiiba roon at may kakayahan kaming lahat na pagbutihin ang aming pag-aaral sa mabuting paraan. Kaming mga kabataan ay may mga karapatan. Karapatang hindi dapat ipagkait at pagtakpan.

Tayong lahat ay naghahangad ng katarungan sa mga bagay na ito. Hindi lamang mga estudyante kung Hindi pati narin ang mga napagbintangan at mga kawawang na gawan Ng masasamang bagay.


    Sa ating panahon ngayon, ang mga mayayaman na lamang ang nakakakamit ng hustisya sa ating bansa. Nakaka-awa ang mga taong walang pantustos sa pagkamit ng Katarungan sa mga krimen na sa kanila'y ginawa. Sinasabi ng marami na ang pera ay kayang bilhin lahat, ngunit naisip ba natin na kayang bilhin ng halaga ang buhay na pinahiram lamang sa atin? Na ang iba ang kukuha nito at hindi ang Diyos na lumikha? Minsan tayo ay napapaisip kung paano nila kayang baliktarin ang salaysay ng isang kaawa-awang biktima kapalit ng malaking halaga ng pera na kung iisipin ay malaking pagkakasala nila, ngunit hindi nila ito naisip dahil sa pagkasilaw nila sa pera. 


         Ano man ang uri ng krimen ang ginawa ng isang tao dapat itong magbayad dahil saan man ito tingnan sa pantaong batas man o utos ng ating Diyos ay may kapalit na parusa.


      Kung mapapansin natin ay may estatwa na sumisimbolo ng hustisya. Ang piring sa mata ay nangangahulugan ng pantay na pagtingin para sa lahat, walang mayaman, walang mahirap. Pantay na pagtingin.Pero minsan dahil sa piring na iyon hindi talaga makamit ang hustisya dahil natanggal na ang piring ng isa nitong mata dahil sa malaking halaga na inalok dito. Ang timbangang hawak nito ay nangangahulugan ng pagtimbang sa mga ebidensya ng nagkasala. Kung magiging mas matimbang ba ang ebidensya sa kasalanan o mas magiging matimbang ba ang katarungan na hindi talaga siya nagkasala kaya walang ginawa kundi umiyak at mahiya sa harap ng maraming tao. La

lo na pag siya'y nilalait tungkol sa krimen na wala naman siyang kaalam-alam. At sa mga batikos na kanyang natatanggap mula sa mga taong hindi alam ang pinagmulan ng trahedyang na sa kanya'y iibinibintang.

       Bakit nga ba ganyan ang mga mamamayang Pilipino? Na pag may pera at may mataas na posisyon ikaw na ka-agad ang kanilang pinupuri. Sabagay, Sa panahon ngayon, pera nalang ang makakasabi kung anong magiging kapalaran mo pagdating sa mga ganitong pangyayari. Sa mga bagay na walang kayang gawin ang mga mahihirap kundi magmaka-awa at lumuhod sa sarili nilang paa. 


       Sabihin na nating mayroong mga mahihirap na nakakakamit ng hustisya. Pero lahat ba ito ay sapat? Hindi, madalas naman ay mayroon mga pamilyang mahihirap na tumatanggap ng pera mula sa mga mayayaman na kung tawagin natin ay 'SUHOL'. Sa kabilang dako, Ang isang tagahatol ay maituturing na isang propesyonal ngunit paano pa ito maituturing na propesyonal kung hindi nito nagawa ng tama ang trabaho nito. Na kahit and mga abogadong ito ay nabubulag sa perang ibinibigay ng nasasakdal para lamang siya'y makatakas sa kasalanang kanyang mga nagawa.


Mga kababayan ko, ating imulat ang ating mga mata na hindi pera ang nagbibigay sa sa
atin ng hustisya kung hindi ay Ang katotohanang magpapasaka na tayo ay magkarapatang makamit ang hustisya. Sa mga taong napagbintangan, tayo'y mapapakawalan na at mapapatawan na Ang totoong may sala.


   Dapat na tayong magising sa katotohanan, na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera. May mga bagay na dapat gawing tama para magkaroon ng pantay na hustisya at katarungan sa isang bansa. Dahil ang isang maunlad na bansa ay mayaman, may matatag na batas,at higit sa lahat pantay ang paningin sa mga mamamayan mahirap man ito o mayaman. Huwag matakot, maging matibay, lumaban ng patas at boses ay lakasan ng makuha ang sapat na hustisya at katarungan!
Ipakita nating karapat-dapat tayong makatanggap ng katarungan at hustisya aking mga kababayan!

    

2 comments:

  1. Wowowowow
    Salamat po ng maraming marami sa impormasyong yan

    ReplyDelete
  2. Make your work straight to the point. You've written "pera" 10 times.

    ReplyDelete